May malaking pagkakaiba ang dalawang metal na ito: aluminum at stainless steel. Kahit na ang dalawang ito ay may pagkaka halintulad sa itsura, iba naman ang gamit ng dalawang ito. Depende sa gamit ang pipiliing materyales, dapat i-consider ang presyo, bigat, tibay, at malleability. Importanteng magkaroon ng magandang kaalaman sa pag gamit ng dalawang metal na ito upang maisakatuparan ang minimithi ng inyong proyektong pang inhinyero. Kadalasan, gawa sa aluminum at stainless steel ang mga electrical enclosures. Ang mga enclosures na ito ay ginagamit upang protektahan ang mga electrical equipment lalo na kung ito ay gagamitin sa mga lugar na kung saan ay may posibilidad itong masira.
Mga importanteng katangian ng Aluminum at Stainless Steel.
- Bigat ng bakal. Dapat i-consider ang timbang o ang bigat ng metal na gagamitin. Ang stainless steel ay mas mabigat kumpara sa aluminum dahil ito ay mas matibay kesa sa aluminum. Nguni tang aluminum ay mas magaan na metal at maaring gamitin sa maraming aplikasyon. Ito rin ang dahilan kung bakit mas malambot at mas medaling i-proseso ang aluminum kesa sa stainless steel, dahil ang aluminum ay mas malambot.
- Proteksyon sa pangagalawang. Ang dalawang metal na ito ay may proteksyon sa pangagalawang dulot ng moisture sa hangin. Ngunit mayroon ding pagkakaiba ang dalwang metal na ito sa pagbibigay ng corrosion-protection dahil sa mga komponents nito. Ang stainless steel ay mayroon manganese, copper, iron, chromium at nickel. Ang chromium ay nagpapatibay ng proteksyon sa pangagalawang ng isang stainless steel dahil sa tinatawag na chloride exposure. Ang aluminum din naman may kayang protektahan ang electrical equipment sa pangagalawang dahil sa passivation layer pero meron din itong mga limitasyon. Ang aluminum ay hindi maaring gamitin sa mga aplikasyon kung saan merong presensya ng asido or base environments. Sa pagkakataong ang pangagalawang ay nagsisimula na, mabilis itong kumalat sa buong metal.
- Thermal Conductivity. Hindi katulad ng stainless steel, ang aluminum ay kayang mag-transfer ng init ng maigi at ito ay kadalasang ginagamit sa mga car radiators and air condition units. Kung kailangan mo ng electrical enclosure na kayang mag-transfer ng init ng maigi, maari mong piliin ang aluminum dahil sa magagandang katangian nito sa thermal conductivity.
- Mas medaling i-welding ang stainless steel kumpara sa aluminum.
- Kumpara sa stainless steel, ang aluminum ay mas malambot at mas medaling baliit at hatiin. Ang stainless steel ay mas matibay kaya kapag sinubukan itong i-proseso ay mas mahirap siyang i-mold.
- Thermal properties. Ang stainless steel ay kayang tumagal sa init kumpara sa aluminum.
https://www.nemaco.com/enclosure-ratings/nema-ratings/nema-6p-enclosures/