Loading

wait a moment

Ang mga mabibisang paraan ng pag customize ng iyong electric enclosure

Sa kasalikuyan, silk screening ang isa sa pinaka-mabisang paraan ng pag-customize ng isang electrical enclosure. Ito ang pinakamadali at pinaka-murang paraan ng pag customize ng isang enclosure. Lahat ng gilid ng isang enclosure ay kayang ma-silk screen basta ito ay lapat para maiwasan ang kahit anong pagbabago sa logo dahil sa umbok. Hindi lang logo and pwede ma silk screen kundi ang iba pang labels katulad ng labels para sa mga operators ((hand-off-auto, gas detection, emergency stop) pero pati na ang labels para sa mga externally installed devices. Para sa mga kumpanya na may product line ng enclosure na nais magkaroon ng serial numbers sa kanilang enclosures, silk-screening ang maaring gamiting proseso para dito. Silk-screening ay mura, mabisa, at kapani-pakinabang; maari itong gamitin gami ang kahit na anong kulay na iyong naisin.

Ngunit, importante na malaman na ang silk screening na ginawa sa mga metals ay may posibilidad na ma-scratch or matangal dahil sa makinis na metal surface – katulad ng stainless steel at aluminum. Para maging permanente ang silk screening, gumagamit ng clear powder coat pagkatapos ilagay ang ink sa silk screening process para ito ay hindi matangal. Ang silk screening ay simple at isang mabisang paraan na pwede gawin ng pang mabilisan laman. Kapag ang logo at ang markings ay sinend ng company sa manufacturer na gumagawa ng silk-screening, ay ready na ito i-process. Ang pinta na ginamit para gumawa ng labels ay siguardong tutugma sa design. Ang proseso ng pag-gawa ay napakadali lamang. Ang screen ay nakalagay sa isang frame na merong design at merong isang kasangkapan na ginagamit para ito ay hindi gumalaw. Ang ink ay inilalagay sa silk screen na may hulmadong logo ng kumpanya. Pagkatapos ng proseso, ang ink ay pinapatuyo gamit ng isang oven. Kapag kelangan ng maraming kulay, ang bawat kulay ay pinapatuyo bago ilagay ang iba pang kulay para ma-achieve ang gustong design. Ang wastong pagsisilk-screen ay nagreresulta sa isang magandang design lalo na kung ito ay maraming kulay.

Ang isa pang option na pwedeng piliin ng kumpanya kung gusto nila magpa-customize ay engraving. Ito ay isa sa pinakamabisa at pinaka common na paraan ng pag-customize ng logo at trademarks sa mga enclosure. Ngunit, ito ay mas mahal at mas matagal matapos pero ang resulta nito ay higit na mas nagtatagal kesa sa silk screening. Ang ganitong proseso ay nagiinvolve ng pag scratch ng surface ng metal para ma-achieve ang logo design na gusto makuha pati na ang mga labels. Kadalasan, isang maliit na amout ng metal .005” to .010” ay tinatangal sa pamamagitan ng dalawang paraan: mechanical via milling operation o sa pamamagitan ng chemical na ginagamitan ng etching process. Ang huling step sa pag-eengrave ay ang paglalagay ng paint sa kinaskas na area gamit ang epoxy paint para ma-match ang gustong kulay ng design para sa enclosure.

Sa huli ang pinaka importanteng step sa pagcucustomize ng isang enclosure ay ang pagrereview ng design na gagamitin. Dapat ang image na ginamit para ditto ay high resolution. Sabihin ang isulat ng tama ang sizing at mga kulay na gagamitin. Mainam na i-save ang file sa .pdf or .eps format. Ang rekomendadong application na gamitin ay adobe illustrator. Dapat din sabihin ang lokasyon ng mga labels sa enclosure.