Ang isa sa pinaka main challenge sa kahit na anong kumpanya na nagiinstall ng electrical components para sa panlabas na gamit, ay ang paghahanap ng tamang equipment na kayang tagalan ang kahit na anong harsh ng environment. Sa katagalan ang moist sa hangin, nagbabagong temperatura ay nagcacause din ng pag decay ng mga materyales ng enclosure. Ang isa pang factor na pwede magdagdag dito ay ang UV rays na pwede makapag dala ng harm sa enclosure. Dahil dito, ang equipment ay maaring makaranas ng mahirap na connection dahil naka expose ito sa isang environment na hindi safe. Ang mga kumpanya ay mapapagastos ng mas madaming pera sa pag aayos at pagpapalit ng mga parte. Ang solusyon dito ay ang paghahanap ng tamang enclosure para sa mga ganitong gamit.
Ang sagot: NEMA 4X Electrical Enclosures
Ang mga kumpanya ay may isang magandang solusyon sa ganitong problema: NEMA 4X enclosures. Ang mga kumpanya ay maaring gumamti ng mga ganitong klase ng enclosure kapag ang kanilang equipment ay gagamitin sa labas ng kumpanya. Pwede nilang iinstall ang kanilang mga equipment na ginagamit sa production plants na hindi nagaalala kung ito ba ay masisira dahil sa environment na ito ay nakasalang. Ang NEMA 4X ay kayang magbigay ng long lasting protection sa mga equipment.
Ano ang mga benepisyo sap ag gamit ng NEMA 4X Electrical Enclosures?
Ang National Electrical Manufacturer Association na nagseset ng standards para sa isang NEMA 4X enclosure ay nagtalaga ng mga ibat ibang function na ibinibigay ng enclosure na ito. Bukod sa mga ratings, ang standard ng isang NEMA 4X ay nagdedepende sa mga sumusunod:
Pagpigil ng access ng isang personnel: gaano kadali ma access ng mga personnel ang isang equipment na nasa loob ng isang enclosure? Gaano kadali mahawakan ang isang electrical equipment?
Proteksyon mula sa mga hazardous environmental conditions: paano na-eendure ng isang enclosure ang ibat ibang harmful environmental elements at conditions? Kaya ba nitong matagalan ang presensya ng mga harmful liquids, ibat ibang klase ng temperatura at UV rays?
Mga aplikasyon kung saan ginagamit ang mga enclosure: Ano ang aplikasyon kung saan pwede magamit ang enclosure? Anong industry ang makaka-utilize ng mga functions and features nito (alternative energy, marine offshore, oil and gas, chemical plants, etc.)?
Materyal kung saan ginawa ang enclosure: Ano ang klaseng materyal gawa ang enclosure na ito? Ang iba’t-ibang options na available ay ang: stainless steel, ABS, at polycarbonate
Kung ibabatay ang mga references na ito para sa isang enclosure, ang NEMA 4X rating ay ginawa at dinisenyo upang mameet ang standards kung para saan ito ginawa. Dahil dito, maaring masabi na ang mga enclosure rating ay bumabase kung saan ito gagamitin at anong mga functions na ito ay sineserve. Hindi ito base sa quality or gaano ito ginawa.
Dahil dito, ang NEMA 4X enclosure ay dapat gawin sa pamamaraan na kung saan ito ay watertight at pwede magamit sa ibang outdoor applications. Ang NEMA 4X ay maaring magamit sa wastewater treatment plants, breweries, food manufacturing facilities, at marine offshore plants. Ang “x” sa isnag rating ay nagtatalaga kung ang isang enclosure ay mataas ang proteksyon na binibigay laban sa corrosion, at dahil dito ay pinoprotekta ang equipment laban sa kahit na anong proteksyon sa pangangalawang.
Mga klase ng materyal na ginagamit upang gumawa ng electrical enclsoures
Depende kugn saan gagamitin ang isang enclosure, merong ibat ibang klase ng materyales na ginagamit upang makagawang isang electrical enclosures. Ang bawat materyal ay nagpapakita ng ibat ibang set ng qualities na nagpapa-enhance ng ratings ng isang NEMA enclosure. Ito ang mga uri ng materyales na ginagamit upang makagawa ng isang NEMA 4X enclosure:
Aluminum. Ang steel na ito ay lightweight at maroong anti-corrosive na properties. Kaya din nitong proteksyunan nag pangangalawang na nangagaling sa hydrogen sulfide. Ang aluminum ay mayroon ding high heat dissipation dahil sa magandang conductive properties nito.
Polycarbonate. Mayroon itong parehas na properties na katulad ng isang salamin dahil sa pagiging translucent nito at kayang makita ang iba’t-ibang components sa loob ng isang enclosure. Pinapahintulutan nito ang mga inhinyer na makita ang mga equipment na nakapaloob sa isang enclosure. At bukod dito, kaya din nitong tagalan ang mga harsh elements na pwedeng present kapag ginagamit sa labas ang equipment.
Stainless steel. Ito ay may halos kaparehong properties tulad ng aluminum, kasama na din dito ang corrosion at kalawang na pwede magform sa palibot nito. Pero, hindi katulad ng aluminum, ito ay mas mabigat pero mas matibay.