Dahil sa mga recent developments sa ating teknolohiya, ang cost upang magkaroon ng renewable energy ay nagsisimulang bumaba at dahil dito ay nagiging mabilis ang paglago at paglaki ng industriya ng renewable electricity. Halos lahat ng mga negosyo ngayon ay nagsisimula ng gumamit ng renewable energy as an alternatibong pinagkukuhaan ng electricity dahil sa efficiency nito at mababang presyo. Marami itong uri katulad ng solar, wind, hydropower, etc. Sa article na ito, ating tatalakayin ang ibat ibang alternative energy na ginagamit at pinoproduce ng mga kumpanya. Ang mga kumpanya ding ito ay nagamit ng mga electric enclosure para sa kanilang mga proseso at atin ding tatalakayin kung paano ito nakakatulong sa kanilang mga negosyo at power plants.
Solar Energy
Ang solar energy ay isa s amga industriya ng alternative energy kung saan ay nagpapakita ng mataas na potensyal ng paglaki sa loob lamang ng ilang taon. Ito ay isa sa mga pinaka affordable, efficient, at medaling pagkuhaan ng electricity. Ito din ay maari ding magamit sa mga tahanan sa pamamagitan ng solar panels. Ayon sa isang statistic, may 8.5 gigawatt ng solar energy projects ang ginawa sa first two quarters ng 2018.
Sinasabing hindi babagal ang paglaki ng solar energy sa mga susunod pang mga taon lalo na sa parting Europe. Ang Germany ang isa sa mga nangungunang bansa na nagproproduce at gumagamit ng solar energy. Tinatayang sa future, ang 50% ng kabuuan ng electricity ng buong mundo ay magmumula sa solar energy. May promise ang industry na ito dahil maari itong gamitin sa mga kabahayan.
Paano gumagana ang solar energy?
Pag sinabi nating solar energy, ito ay isa sa mga green energy na inilalabas ng araw sa pamamagitan ng init at radiation nito. At dahil dito, may dalawang uro ng solar power plants: ang thermal at PV plants. Ang dalawang uri ng energy plants na ito ay kumukuha ng electricity sa araw sa pamamagitan ng dalawang kaparaanan: ang isang uri ay nakuha sila ng raw energy at cinoconvert nila ito sa usable energy, ang isa naman ay nakukuha sa pamamagitan ng pag gamit ng mga solar panels. Ang mga solar panels ay pwede na ding makabit sa mga tahanan.
Anu-ano ang mga electrical enclosure considerations?
Ang mga kumpanya na gumagmit ng mga electrical enclosures ay ang mga solar plants dahil ang mga ito ay may switchboards at power inverters. Ang mga solar companies ay gumagamit ng equipment na nangangailangan ng protection sa mga hazard at pinapanatiling ang efficiency ng kanilang mga proseso. Para masigurado na ang kanilang electrical equipment ay protektado, ang mga electrical enclosure ay kailangan matagalan ang mataas na temperatura. Dahil sa mga solar power plants, ang temperatura na mataas ay posibleng ma-encounter. Kaya kailangan na ang mga electrical enclosure ay kayang matagalan ang ganitong klase ng environment.