Loading

wait a moment

Mga Kadalasang Ginagamit na Electrical Enclosure Types Ikalawang Parte.

NEMA 3 ELECTRICAL ENCLOSURES

Ang mga enclosure na ito ay dinisenyo upang magamit sa parehong panlabas at panloob na gamit ng mga kumpanya. Pero ang karamihan sa kanila ay ginagamit ang NEMA 3 sa panloob na gamit.

Dahil ang NEMA 3 enclosures ay dinisenyo upang makapagbigay ng proteksyon sa mga gamit na nangangailangan ng proteksyon laban sa alikabok, tubig-ulan at pagbuo ng mga niyebe sa labas ng enclosure. Kahit na ang NEMA 3 ay hindi nirerekomendang gamitin sa malalang lagay ng panahon, ito ay mainam pa ding gamitin para proteksyunan ang mga electrical junction boxes na naglalaman ng mga wiring at kable.

 

MGA DAPAT ALAMIN PARA SA NEMA 3 ENCLOSURES

Ang NEMA 3 enclosures ay kinokonsidera na isa sa pinaka mababang rating ng enclosure na ginagamit sa panlabas na aplikasyon. Dahil dito, ang mga inhinyero ay dapat na alamin kung saan at paano gagamitin ang mga ganitong enclosure dahil sa limitadong gamit nito. Kelangan din matukoy kung anong klaseng materyales ang gagamitin dito. Para mas maintindihan ng maigi, ang isang kumpanya ay nag desisyon na gumamit ng isang plastic enclosure. Kaso nga lang, inexpose nila ito sa araw kaya nagbigay eto ng matinding problema at panganib sa kanilang electrical equipment.

Ang mga enclosure na gumamit ng polycarbonate steel ay kinokonsidera na mas mura at nakakapag-repel ito ng UV rays. Kapag ang mga enclosure ay gawa sa mga ganitong materyales, mainam sabihin na maganda itong gamitin sa mga aplikasyon ng mga industrial at commercial companies kung saan kailangan itong gamitin sa labas.

 

NEMA 4 ELECTRICAL ENCLOSURES

Kung ang NEMA 3 ay ginagamit sa panlabas na gamit, ang NEMA 4 enclosures naman ay kayang magbigay ng mas mataas na proteksyon sa mas malalang lagay ng panahon. Dahil sa watertight features nito, ito ay mas mainam gamitin sa kahit na anong industrial applications. Halos lahat ng NEMA 4 enclosures ay nagproprotekta ng mga wiring systems na ginagamit outdoor at mainam din itong gamiting sa mga telecommunication companies and housing power na kumpanya.

Pero may malaking pagkakaiba ang NEMA 3R na nagbibigay ng weather proteksyon at NEMA 4 na isang waterproof enclosure. Kung ikukumpara ang dalawang ito, ang NEMA4 enclosure ang mas nagbibigay ng proteksyon laban sa mga tubig na may pwersa katulad na lang ng pagtapon ng tubig at hose-directed na tubig.

Ang NEMA 4 ay may protective seal. Ito ay dinisenyo ng may gaskets para masigurado na hindi ito mapapasukan ng tubig sa loob at masira ang electrical equipment.

 

MGA DAPAT ALAMIN SA NEMA 4 ENCLOSURES.

Ngayon ay tayo ay naninirahan sa panahon kung saan lagi tayong nakakapag-usap sa isat isa gamit ang mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ang mga equipment ay kinakailangan ng magkaroon ng proteksyon laban sa electromagnetic (EMI) and radio frequency interference (RFI) at ito ay inaasahang tumaas at lumakas. Importante na masigurado ng mga inhinyero ang kaligtasan ng kanilang electrica equipment sa pamamagitan ng pag konsidera sa mga factor na ito.

Karamihan ng mga enclosures ay nagbibigay ng EMI/RFI protection ay kadalasang giangamit ng mga telecommunications company. Kadalasan din ang NEMA 4 na gawa sa aluminum na bakal ay nakakapgbigay ng mas maganda at natural na proteksyon laban sa waves at signals.

 

NEMA 4X ELECTRICAL ENCLOSURES

Kahit na ang NEMA 4X enclosures ay kaya ding magbigay ng mga proteksyon na binibigay ni NEMA 4, ito ay mas higit na maganda dahil ito ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa posibleng pangagalawang. Kadalasan ang mga ganitong enclosure ay ginagamit sa mga aplikasyon kung saan ay merong existence ng mataas na moisture sa hangin, corrosive chemicals at intense na water sprays.

Dahil dito, ang pangagnalwang ay isang malaking problema ng mga industriya na umaandar sa mga lugar kung saan ay merong mataas na moisture sa hangin. Ang NEMA 4X enclosures ay dinisenyo upang maging water tight at pigilan ang kahit anu mang pagpasok ng tubig para maiwasan ang equipment damage.

 

MGA DAPAT ALAMIN SA NEMA 4X ENCLOSURES.

Kahit na ang NEMA 4X ay nagbibigay ng mas mataas na proteksyon laban sa pangagalawang, importanteng ma kunsidera ang pangangailangan sa pag gamit ng wiring at kable sa lugar ng pinagtatrabahuhan. Dahil dito, ang NEMA 4X ay maaring mayari ng mga knockouts para mas maging efficient ng pag gamit ng mga personnel dito.

Kapag ang mga inhinyero ay dapat na may baguhin sa lugar ng pinagtatrabahuhan, ang NEMA 4X na may knockouts ay maaring makatulong sa mga kumpanya na maging cost-efficient sa kanilang operasyon at makakatulong dito ito upang makapag save sila ng mas madaming oras. Kapag ang isang enclosure ay may NEMA 4X rating, ang mga kumpany ay maaring masigurado na ang kanilang gamit ay protektado laban sa anumang weather conditions na maaring makapag bigay ng pangangalawang sa mga gamit nito.