Loading

wait a moment

Mga Kadalasang Ginagamit na Electrical Enclosure Types Unang Parte.

Sa karamihan, ang gamit ng mga electrical enclsoures ay hindi ganoon kaimportante. Pero ang mga enclosures ay maingat na dinisenyo para magprotekta ng mga electrical equipments depende sa gamit ng mga kumpanya. Ang mga industriya na nangangailangan ng ganitong klase ng enclosures ay telekomunikasyon, IT systems, water treatment plants and marine offshore companies.

Sa mabilis na panahon ngayon, marami ng innovations at pagbabago na nagaganap sa ating teknolohiya. Importanteng magkaroon ng mga bagong solusyon sa makabagong problema sa mga manufacturing companies. Ang tamang enclosure ay nagbibigay ng tamang proteksyon sa mga equipment sa isang kumpanya lalo na ang mga electrical equipment. Ang tamang enclosure ay hindi lamang nagbibigay ng proteksyon kundi nagbibigay din ito ng cost-efficient na solusyon sa mga kumpanya.

Pero, may malaking challenge na dapat ma-overcome ng mga inhinyero ngayon. Dapat nilang tukuyin kung ano ang tamang enclosure na dapat gamitin sa iba’t-ibang uri ng aplikasyon. Sa ngayon, ang mga enclosure ay merong ibat ibang klase at gamit, kasama na ang materyales na ginamit para ito ay magawa. Nagbibigay din ito ng ibat ibang klanse ng proteksyon para sa electrical equipment.

On the operating managers’ side, they should have the proper knowledge on which electrical enclosures they should buy or manufacture for specific applications. In this article, we will discuss the widely used NEMA enclosures and what are their different uses.

 

IBA’T-IBANG KLASE NG NEMA ENCLOSURES

Ang ibat ibang uri ng electrical enclosures ay sinet ng National Electrical Manufacturers Association (NEMA), depende sa uri, klase at gamit ng mga ito. Meron silang ibat ibang katangian na maaring magamit sa ibat ibang aplikasyon.

Ang NEMA ay isang organisasyon kung saan itinatag ang ibat ibang klase ng klasipikasyon para sa electrical enclsoures. Ito ay tinaguyod sa stados unidos at laan nito na makapagset ng standards para sa enclsoures sa parteng norteng amerika. Lahat ng enclosures na ginagawa ay isinusunod sa standards na sinet ng organisasyon na ito

Ang National Electrical Manufacturers Association ay namumuno sa pagtataguyod ng standards na dapat sundin ng mga kumpanya sa pag gawa ng enclosures. Para masigurado ang kalidad at kasiguraduhan ng mga gagamit ng enclosures.

 

PARA SAAN ANG NEMA RATINGS?

Ang NEMA ratings ay ang klasipikasyon ng kakayahan at materyales na ginamit sa paggawa ng electrical enclosures. Ito rin ay dinisenyo upang itaguyod ang lebel ng proteksyon na binibigay nito para sa electrical equipment. Sa article na ito ay i-didiscuss natin ang ibat ibang uri ng enclosure at saan dapat ito gamitin.

Para bigyan kayo ng halimbawa, ang isang utility company ay gustong protektahan ang kanilang sensitibong gamit laban sa mga matitinding kondisyon sa environment ay maaaring pumili ng isang NEMA 4X. Ang NEMA 4X ay may kakayahang protektahan ang kanilang gamit laban sa pangagalawang dahil sa tubig alat at posibleng pagpasok ng tubig sa loob ng equipment.

 

NEMA 1 ELECTRICAL ENCLOSURES

Ang enclosure na ito ay ginawa at dinisenyo para sa indoor applications. Sa lahat ng NEMA enclosures, ang klase na ito ay nagbibigay ng pinaka maliit na level ng proteksyon para sa electrical enclosures. Ang enclosure na ito ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa pagpasok ng dumi at alikabok sa loob ng enclosure at kaya nitong protektahan ang mga tao na gumagamit ng electrical equipment.

Kahit na meron lamang silang limitadong proteksyon na ibinibigay, sila ay kadalasan ding ginagamit sa ibat ibang aplikasyon. Ang mga kumpanya na gumagamit ng NEMA 1 enclosures ay nagproprotekta ng mga equipment na ginagamit sa loob ng kumpanya.

 

MGA KONSIDERASYON SA NEMA 1 ENCLOSURE

If NEMA 1 is installed in environments where there is no presence of hazardous chemicals or combustible fluids, this enclosure is the cost-effective way to protect your electrical equipment. It can also prevent accidental access from personnel who use this equipment. However, engineers who are concerned about moisture seeping through the enclosure may want to consider using NEMA 2 instead. It offers an additional layer of protection against the lightest water ingress.

Kapag ang NEMA 1 ay ininstall sa lugar na kung saan ay walang presensya ng mga kemikal na pwedeng makasira equipment, ito ang pinaka-mabisa at pinaka-murang enclosure na maaaring gamiting ng mga kumpanya. Pwede din itong mapigilan ang mga aksidente sa mga personel na gumagamit ng electrical equipment. Nguni tang mga inhinyero na gusting maprotektahan ang mga electrical equipment laban sa pagpasok ng moisture, dapat silang gumamit ng NEMA 2 enclsoures.

Kinalaunan, ang init na pinoproduce ng mga equipment sa loob ng enclosure ay dapat din isa-alang alan. Ang mga IT companies na gumagamit ng ganitong kalseng equipment ay may posibilidad na mag overheat ang kanilang gamit. Maari itong makasira o makabagal ng ibat ibang proseso.